Paghahayag ng Risk
Ang opisyal na wika ng kompanya ay Ingles. Para sa mas kumpletong paglalarawan ng aktibidad ng Kompanya, mangyaring bumisita sa bersyong Ingles ng website. Ang impormasyon na isinalin sa mga wika maliban sa Ingles ay para sa layuning pang-impormasyon lamang at walang legal na pwersa, ang Kompanya ay hindi responsable sa katumpakan ng impormasyon na ibinigay sa ibang wika..
Paghahayag ng Risk para sa operasyon sa foreign currency at mga derivative
Ang maikling babala na ito, bilang karagdangan sa Pangkalahatang Tuntunin ng Negosyo, ay hindi nilalayon na banggitin ang lahat ng risk at ibang importanteng aspeto ng operasyon sa mga foreign currency at derivative. Isinasaalang-alang ang risk, hindi mo dapat i-settle ang mga transaksyon sa mga nabanggit na produkto kung hindi mo alam ang uri ng mga kontrata na iyong pinasok, ang mga legal na aspeto ng naturang mga relasyon sa loob ng konteksto ng mga naturang kontrata, o ang antas ng iyong pagkakalantad sa risk. Ang mga operasyon na may foreign currency at mga derivative ay konektado sa isang mataas na antas ng risk, samakatuwid hindi ito angkop para sa maraming tao. Kailangan mong masusing suriin kung hanggang saan angkop ang mga naturang operasyon para sa iyo, isinasaalang-alang ang iyong karanasan, layunin, financial resource at iba pang mahahalagang salik..
1. Mga operasyon na may foreign currency at mga derivative
1.1 Ang ibig sabihin ng leveraged trading ay pinalaki ang potensyal na kita. Nangangahulugan din ito na ang mga pagkatalo ay pinalaki. Kapag mas mababa ang kinakailangan na margin, mas mataas ang risk ng potensyal na pagkatalo kung gumalaw ang market laban sa iyo. Minsan, ang mga margin na kinakailangan ay maaaring kasing liit ng 0.5%. Tandaan na kapag nakikipag-trade gamit ang margin, ang iyong mga pagkatalo ay maaaring lumampas sa iyong paunang pagbabayad at posibleng mawalan ng mas maraming pera kaysa sa iyong pinamuhunan. Ang halaga ng paunang margin ay maaaring mukhang maliit kung ihahambing sa halaga ng mga kontrata o derivative ng foreign currency, dahil ang epekto ng "leverage" o "gearing" ay ginagamit doon, sa pagsasagawa ng trade. Ang mga hindi gaanong malaking paggalaw ng market ay magkakaroon ng proporsyonal na pagtaas ng epekto sa mga halaga na dineposito, o nais mong ideposito. Maaaring gumana ang pangyayaring ito para sa iyo, o laban sa iyo. Kapag sinusuportahan ang iyong position, maaari kang magkaroon ng mga pagkatalo sa lawak ng paunang margin, at anumang karagdagang halaga ng pera na dineposito sa Kompanya. Kung nagsimulang gumalaw ang market sa kabaligtarang direksyon ng iyong position, at/o ang halaga ng kinakailangang margin ay nadagdagan, maaaring hilingin sa iyo ng Kompanya na agad na magdeposito ng karagdagang halaga ng pera upang suportahan ang position. Ang kabiguan na matugunan ang pangangailangan na magdeposito ng karagdagang halaga ng pera ay maaaring magresulta sa pagwawakas ng Kompanya ng iyong (mga) position, at may responsibilidad ka para sa anumang pagkatalo o kakulangan ng mga pondo na kaugnay nito.
1.2 Mga Order at Estratehiya sa pagbabawas ng risk
Ang paglalagay ng ilang mga order (halimbawa, mga "stop-loss" na order, kung ito ay pinapayagan ng lokal na batas, o "stop-limit" na mga order), na naghihigpit sa pinakamataas na halaga ng mga pagkatalo, ay maaaring maging hindi epektibo kung ang sitwasyon ng market ay ginagawang imposible ang pagpapatupad ng naturang mga order (halimbawa, sa illiquidity ng market). Ang anumang mga estratehiya gamit ang mga kombinasyon ng mga position, halimbawa, "spread" at "straddle" ay maaaring hindi mas mababa ang risk kaysa sa mga konektado sa karaniwang "long" at "short" na position..
2. Karagdagang risk na espesipiko sa mga transaksyon sa foreign currency at mga derivative
2.1 Mga kondisyon sa pagpasok sa mga kontrata
Kailangan mong makakuha mula sa iyong broker ng detalyadong impormasyon tungkol sa mga kondisyon para sa pagpasok sa mga kontrata, at anumang mga obligasyon na konektado dito (halimbawa, tungkol sa mga pagkakataon, kung saan maaari mong maipon ang obligasyon na isagawa o tanggapin ang paghahatid ng anumang asset sa loob ng balangkas ng isang futures contract, o, sa kaso ng isang options, impormasyon tungkol sa mga petsa ng pag-expire at ang mga limitasyon ng oras para sa mga pagpapatupad ng options). Sa ilang mga sitwasyon, ang isang stock exchange o clearinghouse ay maaaring baguhin ang mga kinakailangan sa mga hindi nabayarang kontrata (kabilang ang strike price), upang maipakita ang mga pagbabago sa market ng bawat isang asset.
2.2 Pagsuspinde o pagbabawal ng trade. Correlation ng presyo
Ang ilang partikular na sitwasyon sa market (halimbawa, liquidity) at/o mga tuntunin sa pagpapatakbo ng ilang market (halimbawa, pagsususpinde ng trade kaugnay ng mga kontrata o buwan ng kontrata, dahil sa kalabisan sa mga limitasyon ng pagbabago sa presyo) ay maaaring magpataas sa risk ng pagkatalo, dahil nagiging mahirap o imposible ang pagsasagawa ng mga transaksyon o squaring/netting position. Maaaring tumaas ang pagkatalo, kung ibebenta mo ang mga option. Ang isang mahusay na pagkakaugnay ay hindi palaging umiiral sa pagitan ng mga presyo ng asset at ng derivative asset. Ang kawalan ng benchmark na presyo para sa isang asset ay maaaring magpahirap sa pagtatantya ng isang "patas na halaga.".
2.3 Mga nadepositong pondo at pag-aari
Dapat mong pag-aralang mabuti ang mga instrumentong pang-proteksyon, sa loob ng mga limitasyon ng Security na idineposito mo sa anyo ng cash o anumang iba pang asset, kapag nagsasagawa ng isang operasyon sa loob ng bansa o sa ibang bansa, lalo na kung ang kawalan ng ibabayad o pagkatalo ng isang kompanyang nakikipag-deal ay maaaring maging isang isyu. Kinokontrol ang lawak kung saan maaari mong ibalik ang iyong pera o iba pang asset ng batas at mga lokal na pamantayan ng bansa kung saan isinasagawa ng Counterparty ang mga aktibidad nito.
2.4 Mga bayarin sa komisyon at iba pang singil
Bago makilahok sa anumang trade, dapat magkaroon ka ng malinaw na mga detalye sa lahat ng bayarin sa komisyon, bayad sa trabaho o serbisyong ibinigay at iba pang singil na kakailanganin mong bayaran. Makakaapekto ang mga gastos na ito sa iyong net financial result (kita o pagkatalo).
2.5 Mga transaskyon sa ibang lugar
Ang pagpapatupad ng mga transaksyon sa mga market sa anumang iba pang hurisdiksyon, kabilang ang mga market na pormal na konektado sa iyong internal na market ay maaaring magresulta sa karagdagang risk para sa iyo. Maaaring naiiba sa iyo ang regulasyon ng mga nabanggit na market sa antas ng proteksyon ng investor (kabilang ang isang mas mababang antas ng proteksyon). Hindi masiguro ng iyong lokal na awtoridad sa regulasyon ang sapilitang pagsunod sa mga tuntunin na tinutukoy ng mga awtoridad sa regulasyon o mga market sa ibang hurisdiksyon kung saan ka nagsasagawa ng mga transaksyon.
2.6 Mga currency risk
Apektado ang mga kita at pagkatalo ng mga transaksyon na may mga kontratang muling binago sa currency ng ibang bansa na naiiba sa currency ng iyong account ng mga pagbabago sa halaga ng palitan kapag na-convert mula sa contract currency patungo sa currency ng account.
2.7 Panganib sa liquidity
Nakakaapekto ang risk sa liquidity sa iyong kakayahang mag-trade. Ito ay ang risk na hindi maaaring i-trade ang iyong pinansyal na kontrata o asset sa oras na gusto mong mag-trade (upang maiwasan ang pagkatalo, o para kumita). Bilang karagdagan, muling kina-calculate araw-araw ang margin na kailangan mong panatilihin bilang isang deposito sa provider ng kontrata alinsunod sa mga pagbabago sa value ng mga underlying asset ng kontratang hawak mo. Kung nagdulot ang muling pag-calculate (muling pagsusuri) na ito ng pagbawas sa halaga kumpara sa valuation sa nakaraang araw, kakailanganin mong magbayad kaagad ng pera sa pinansyal na provider ng kontrata para maibalik ang margin position at masaklaw ang pagkatalo. Kung hindi ka makakapagbayad, maaaring i-close ng pinansyal na provider ng kontrata ang iyong position sumang-ayon ka man o hindi sa aksyong ito. Kakailanganin mong matugunan ang pagkalugi, kahit na makabawi pagkatapos ang presyo ng underlying asset. May mga pinansyal na provider ng kontrata na nagli-liquidate sa lahat ng iyong contract position kung wala kang required margin, kahit na ang isa sa mga position na iyon ay nagpapakita na kumikita ito sa yugtong iyon. Upang panatilihing open ang iyong position, maaaring kakailanganin mong sumang-ayon na payagan ang pinansyal na provider ng kontrata na kumuha ng karagdagang pagbabayad (karaniwan ay mula sa iyong credit card), sa kanilang pagpapasya, kapag kinakailangan para matugunan ang mga nauugnay na margin call. Sa isang mabilis gumalaw at volatile na market, madali kang magkaroon ng isang malaking credit card bill sa ganitong paraan.
2.8 Limit ng "Stop loss"
Upang limitahan ang mga pagkatalo, maraming pinansyal na provider ng kontrata ang mag-aalok sa iyo ng pagkakataong pumili ng mga limitasyon ng 'stop loss'. Awtomatiko nitong iko-close ang iyong position kapag umabot na ito sa limitasyon ng presyo na iyong pinili. Mayroong ilang pagkakataon kung saan hindi epektibo ang limitasyon ng 'stop loss' halimbawa, kung saan may mabilis na paggalaw ng presyo, o pagsasara ng market. Hindi ka maaaring palaging protektahan ng mga limitasyon sa stop loss mula sa mga pagkalugi.
2.9 Risk sa pag-execute
Nauugnay ang risk sa pag-execute sa katotohanan na maaaring hindi maganap agad ang mga pagti-trade. Halimbawa, maaaring may time lag sa pagitan ng sandaling inilagay mo ang iyong order at ang sandaling naisakatuparan ito. Sa panahong ito, maaaring kikilos ang market laban sa iyo. Ibig sabihin, hindi naisakatuparan ang iyong order sa presyong iyong inaasahan. Binibigyan ka ng pahintulot ng ilang provider ng kontrata na mag-trade kahit na sarado ang market. Magkaroon ng kamalayan na maaaring magkaroon ng malaking pagkakaiba ang mga presyo para sa mga trade na ito mula sa closing price (huling presyo) ng underlying asset. Sa maraming sitwasyon, maaaring mas malawak ang spread kaysa kapag bukas ang market.
2.10 Risk sa counterparty
Ang counterparty risk ay ang risk na ang provider na nag-isyu ng CFD (ibig sabihin, ang iyong counterparty) ay na-default at hindi matugunan ang mga pinansyal na obligasyon nito. Kung hindi maayos na nahiwalay ang iyong mga pondo sa mga pondo ng provider ng CFD, at nahaharap ang provider ng CFD sa mga pinansyal na problema, kung gayon, may risk na hindi mo matatanggap ang anumang pera na dapat ay para sa iyo.
2.11 Mga trading system
Gumagamit ang karamihan sa karaniwang "voice" at electronic trading system ng mga computer device para sa mga routing order, pagbabalanse ng operasyon, pagrehistro at pag-clear ng mga transaksyon. Tulad ng iba pang electronic device at system, napapailalim ang mga ito sa pansamantalang pagpalya at may depektong operasyon. Ang iyong mga pagkakataon para sa reimbursement ng ilang pagkatalo ay maaaring dedepende sa mga limitasyon ng pananagutan na tinutukoy ng supplier ng mga trading system, market, clearinghouse at/o kompanyang nakikipag-deal. Maaaring mag-iba ang mga naturang limitasyon; kinakailangan mong makakuha ng detalyadong impormasyon mula sa iyong broker patungkol sa bagay na ito.
2.12 Electronic trading
Ang pagti-trade na naisakatuparan gamit ang anumang Electronic Communications Network ay maaaring mag-iba hindi lamang sa pagti-trade sa anumang karaniwang "open-outcry" na market, kundi pati na rin sa pagti-trade kung saan ginagamit din ang iba pang electronic trading system. Kung magsagawa ka ng anumang mga transaksyon sa isang Electronic Communications Network, sasagutin mo ang mga risk na partikular sa naturang system, kabilang ang risk ng pagkabigo sa pagpapatakbo ng hardware o software. Maaaring magresulta ang pagpalya ng system sa mga sumusunod: Maaaring hindi maisagawa ang iyong order alinsunod sa mga tagubilin; maaaring hindi maisakatuparan ang isang order; maaaring imposibleng patuloy na makatanggap ng impormasyon sa iyong mga position, o upang matugunan ang mga kinakailangan sa margin.
2.13 Mga over-the counter na operasyon
Sa ilang hurisdiksyon, binibigyang pahintulot ang mga kompanya na magsagawa ng mga over-the-counter na operasyon. Maaaring kumilos ang iyong broker bilang counterparty para sa mga naturang operasyon. Nakasalalay ang espesyal na feature ng mga naturang operasyon sa pagiging kumplikado o pagiging imposible ng pagkansela ng mga umiiral na position, pagtatantya sa mga value, o pagtukoy ng patas na presyo o pagkakalantad sa risk. Para sa mga nabanggit na dahilan, maaaring konektado ang mga operasyong ito sa mas mataas na mga risk. Ang regulasyon na namamahala sa mga over-the-counter na operasyon ay maaaring hindi gaanong mahigpit o nagbibigay ng isang partikular na mode ng regulasyon. Kakailanganin mong pag-aralang mabuti ang mga tuntunin at risk na nauugnay dito, bago isagawa ang mga naturang operasyon.